MANILA, Philippines – Nagsuspinde ng klase ang De La Salle University (DLSU) Manila campus ngayong Lunes, Oktubre 26 matapos makatanggap ng banta sa seguridad.
Agad nakipag-ugnayan ang DLSU Security Office sa Manila Police District (MPD) matapos matanggap ang banta.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng threat assessment ang MPD.
Samantala, sinabi ng DLSU na suspendido ang in-person at online class mula ala-1 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Magpapatuloy naman ang klase mula alas-6 ng gabi ngunit gagawin sa online modality.
Nananatiling sarado ang Manila campus ng DLSU. RNT/JGC