Home NATIONWIDE P20/kg bigas mabibili na sa 427 Kadiwa stores

P20/kg bigas mabibili na sa 427 Kadiwa stores

302
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na ang programa ng gobyerno na “Benteng Bigas Meron (BBM) Na”, na nagbebenta ng bigas sa PHP20 kada kilo, ay mayroon nang 427 Kadiwa ng Pangulo (KNP) sites at accredited stalls sa buong bansa.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., katuparan ito ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang bigas.

Sa paglulunsad nito noong Mayo, target lamang ang 136 site sa 13 probinsiya.

Mga benepisyaryo ng programa ay mga miyembro ng 4Ps, senior citizens, PWDs, solo parents, indigenous peoples, low-income earners, magsasaka, mangingisda, public transport workers, at mga kalahok sa Walang Gutom ng DSWD.

Umabot na sa lahat ng 81 probinsiya ang BBM Na, at ang Tawi-Tawi ay nakatakdang ilunsad sa Disyembre.

Karagdagang mga site ay bubuksan sa Aklan, Capiz, Catanduanes, Davao Oriental, Eastern Samar, Leyte, Sarangani, at Sulu ngayong Nobyembre. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here