Home METRO SAF, 2 suspek utas sa engkuwentro sa Sulu

SAF, 2 suspek utas sa engkuwentro sa Sulu

270
0

SULU – Isang miyembro ng Special Action Force (SAF) at dalawang suspek ang napatay sa isang engkuwentro noong Miyerkules ng madaling araw sa Indanan, Sulu.

Pumasok ang mga pulis upang magsagawa ng search warrant laban sa tatlong magkakapatid na umano’y sangkot sa gunrunning nang pagbabarilin sila ng mga suspek, na nauwi sa matinding palitan ng putok.

Isa sa SAF troopers, si Police Corporal Albasheer Lumalag, ay napatay, habang nasugatan ang isa niyang kasama. Dalawang suspek ang napatay at dalawa ang naaresto.

“Heavy po ang firefight kaya nga po tayo ay nawalan ng kasama. Binawian ng buhay,” sabi ni Police Major Helen Cruz, tagapagsalita ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Aniya, kabilang ang mga suspek sa umano’y bagong umuusbong na drug group. Nakarekober din ang mga awtoridad ng high-caliber na armas sa engkuwentro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here