Home NATIONWIDE 1 dedo, 17 sugatan sa nahulog na bus sa Gumaca, Quezon

1 dedo, 17 sugatan sa nahulog na bus sa Gumaca, Quezon

306
0

MANILA, Philippines – Isa ang nasawi at 17 ang sugatan nang mahulog ang isang bus sa malalim na bahagi ng Diversion Road sa Barangay Villa Arcaya, Gumaca, Quezon Huwebes ng gabi.

Ang nasawi ay lokal na residente na naglalakad lang nang mahagip ng bus. Ang mga sugatan ay dinala sa ospital at nasa maayos na kondisyon.

Ayon sa imbestigasyon, galing Bicol ang bus papuntang Maynila at namatay ang makina sa itaas na bahagi ng kalsada.

Sinubukan ng driver na paandarin ito sa pamamagitan ng clutch, ngunit naubos ang hangin sa airbrake system kaya nawala ang preno.

Nakulong na ang driver, na unang tumakas ngunit naospital nang bahagya, at nakikipag-ugnayan ang kumpanya ng bus sa mga biktima. Kinakailangan ng malalaking kagamitan para maiahon ang bus. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here