Home NATIONWIDE SC naglabas ng pangkalahatang alituntunin sa pagsuspinde ng trabaho sa trial courts

SC naglabas ng pangkalahatang alituntunin sa pagsuspinde ng trabaho sa trial courts

323
0
(c) Remate File Photo

MANNILA, Philippines – Inaprubahan ng Supreme Court ang uniform guidelines para sa pagsuspinde ng trabaho at operasyon sa trial courts tuwing bagyo, kalamidad, rally, welga, o iba pang public service disruptions.

Nananatiling may huling kapangyarihan si Chief Justice Alexander G. Gesmundo, ngunit pinapayagan ang limited delegation sa OCA, ORCM, at executive judges.

Para sa bagyo o malakas na ulan, maaaring magsuspinde ng hanggang tatlong araw ang ORCM.

Para sa biglaang kalamidad, maaaring magsuspinde ang executive judge ng isang araw, extendable hanggang tatlong araw sa pahintulot ng ORCM.

May katulad na alituntunin para sa welga, rally, at biglaang pagkawala ng kuryente.

Ang suspensyon na higit sa tatlong araw ay kailangan ng clearance mula sa Court Administrator.

Saklaw din ang permanent at temporary local holidays, lokal na selebrasyon, at Muslim religious observances, na may tamang abiso. Dapat manatiling naka-duty ang skeleton staff para sa mga urgent cases. Lahat ng suspensyon ay dapat agad iulat sa SC Communications Office.

Binibigyang-diin ng SC ang maingat na paggamit upang maiwasan ang abuso ng kapangyarihan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here