Home HOME BANNER STORY DOH, pinaalalahanan publiko, mga botika ng 60-day ‘price freeze’ sa mga gamot...

DOH, pinaalalahanan publiko, mga botika ng 60-day ‘price freeze’ sa mga gamot sa gitna ng national state of calamity

365
0

MANILA, Philippines – Pinapaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko at lahat ng mga botika sa buong bansa na may “price freeze” na ngayon sa mga mahahalagang gamot kasunod ng pagdeklara ng Pangulo ng national state of calamity.

Noong Huwebes, Nobyembre 6, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ilagay ang bansa sa ilalim ng estado ng kalamidad sa isang situation briefing sa headquarters ng ahensiya sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon sa DOH, saklaw ng price freeze ang 146 gamot at layunin nitong matiyak na manatili ang mga ito sa makatwirang presyo sa panahon ng mga kalamidad o sakuna.

Ayon sa mga patakaran, mananatili ang price freeze sa loob ng 60 araw mula sa pagdeklara ng state of calamity, maliban kung maaga itong buwagin ng Pangulo.

Samantala, hinikayat ng ahensiya ang publiko na i-report ang anumang labis na pagpepresyo o paglabag sa DOH sa pamamagitan ng mga sumusunod na channel: [email protected].ph at [email protected].

Makikita ang updated na  listahan ng mga gamot na saklaw ng price freeze sa bit.ly/PriceFreezeDOHUpdated. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here