Home NATIONWIDE Komisyon sa pag-imbestiga sa EJK hiniling ni Cardinal David kay PBBM

Komisyon sa pag-imbestiga sa EJK hiniling ni Cardinal David kay PBBM

249
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Calookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na dapat magtatag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang truth commission at pagkakasundo upang imbestigahan ang mga umano’y extrajudicial killings sa giyera kontra droga ng administrasyon ni Duterte.

Ayon sa ulat, sumulat si David sa Malacañang na humihingi na magtayo ng isang komisyon kung saan ang mga biktima, testigo, at mga tagapagpatupad ng batas ay makakapag-salita nang malaya tungkol sa mga kaso, pati na rin magrekomenda ng kompensasyon at suportang psychosocial.

Ang panukalang komisyon ay dapat ding payagan na siyasatin ang mga rekord ng mga law enforcement agencies  at magrekomenda ng mga reporma laban sa pang-aabuso.

Iminungkahi ni David na ang mga miyembro ng komisyon ay dapat piliin mula sa iba’t ibang civil society organization pati na rin  Commission on Human Rights .

Maaaring magsampa ng mga kaso ang mga awtoridad batay sa impormasyon na nakolekta ng truth commission.

Hindi pa nagkomento ang Malacañang tungkol sa panukala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here