BULACAN, Philippines – Muling nakasagupa umano ng government troops ang hindi pa mabilang na armadong indibiduwal sa kanilang combat clearing operations sa bayan ng Norzagaray nitong umaga ng Nobyembre 7.
Sa ulat ng 703rd Agila Brigade, 71D, Philippine Army, naganap ang engkuwentro ng Joint Task Group 7-2 n ng Army at armadong grupo bandang 9:25 ng umaga sa Sitio Inuman, Norzagaray.
Ayon sa ulat, nang humupa ang mga putok, nadiskubre ng mga tropa ng pamahalaan ang bloodstains o mga mantsa ng dugo sa lugar na palantandaang may mga nasugatang kalaban.
Narekober din ang isang backpack na naglalaman ng personal belongings na pinaniniwalaang naiwan ng grupo sa kanilang pag-atras pakanluran.
Sa isang facebook post na nag-viral, ilang netizen ang nagsabing mag-ingat ang mga tropa sa mga “pogi” (NPA) dahil marami raw ang mga ito lalo sa katabing bundok.
Sinasabing bandang 2:40 ng hapon noong Oktubre 17, nakasagupa rin ng tropa ng gobyerno sa Sitio Balagbag, Brgy. San Lorenzo, ang hindi bababa sa 20 hinihinalang rebeldeng New Peoples Army na ikinamatay ng isang hindi nakilalang kasamahan. (Dick Mirasol III)