Home METRO PBBM, patuloy binabantayan Bagyong Uwan

PBBM, patuloy binabantayan Bagyong Uwan

311
0

MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtindi ng Bagyong Uwan habang papalapit ito sa Hilagang Luzon.

Sinabi ng Pangulo na naka-full alert ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at agad kumilos upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang filipino.

Aniya pa, ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nakapag-deploy ng mga bus at truck para sa evacuation, habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Armed Forces of the Philippines, at Coast Guard ay may mga nakaposisyong sasakyang pang-rescue, lifeboats, at relief goods sa mga lugar na maaaring tamaan ng bagyo.

Suspendido naman aniya ang toll fees para sa mga emergency convoy at responders, at may inilaan aniya ang gobyerno na mga espesyal na lane upang mas mabilis makarating sa mga high-risk areas.

Ang MetropolitanManilaDevelopment Authority (MMDA) naman aniya at mga lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ng paglilinis sa mga daluyan ng tubig at pagtatanggal ng mga sagabal sa mga kalsada.

Binuksan din ng ilang mall at gusali ang kanilang mga parking areas para magamit ng mga residente sa mga lugar na madalas bahain.

Sinabi pa ng Pangulo na sa ilalim ng DILG, nagpapatuloy ang mga pre-emptive evacuation upang mailikas ang mga residente sa mga high-risk areas bago pa man tumama ang bagyo bukas.

“Pinapaalalahanan ko ang lahat na manatiling mahinahon at huwag maging kampante. Sumunod sa mga abiso ng inyong LGU at agad lumikas kung kayo ay nakatira sa delikadong lugar. Ihanda ang inyong mga pangunahing pangangailangan at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo,” ayon sa Pangulo.

“Magkaisa tayo. Ang bawat segundo ay mahalaga. Pagpalain tayong lahat ng Maykapal,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here