Home NATIONWIDE 50 probinsya maaapektuhan ni Uwan

50 probinsya maaapektuhan ni Uwan

278
0

MANILA, Philippines – Mahigit 50 probinsya ang maaapektuhan ng Bagyong Uwan, ayon sa Office of Civil Defense nitong Sabado, Nobyembre 8.

“Mayroon na tayong 54 provinces na apektado nito as far sa Region 1 hanggang Caraga, itong northern part ng Mindanao,” sinabi ni Office of Civil Defense Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa briefing.

“Apektado rin nito, kung tuloy-tuloy ang track, itong mga rehiyon natin sa Visayas — Western Visayas, Central Visayas and Eastern Visayas,” dagdag pa.

Sa kabila nito, hindi naman tinukoy ang mga probinsya ngunit kasama rito ang National Capital Region.

“Fifty four, kasi one area ang NCR, that’s 53 provinces plus NCR,” ani Alejandro.

Tinukoy ni Alejandro ang bilang mula sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) nitong Biyernes na nasa 5.7 milyong indibidwal sa coastal areas ang nanganganib sa banta ng Bagyong Uwan.

“And then another 61.6 million naman ay exposed dito sa buong track niya nadadaanan,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here