Home NATIONWIDE May-ari ng massage parlor, pinagbabaril-patay

May-ari ng massage parlor, pinagbabaril-patay

292
0

ZAMBOANGA CITY- PINAGBABARIL-patay ang isang babae na may-ari ng massage parlor at videoke bar ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng establisyemento nito, kagabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Marianne Dinglasan, nasa hustong gulang, may-ari ng Marimar Massage Parlor and Videoke Bar na matatagpuan sa gilid ng highway sa Barangay Sangali ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report ng Zamboanga City Police Office, naganap ang krimen sa gabi nitong Sabado, November 8, 2025 sa nabanggit na lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang establisyemento at pagkakita sa biktima pinagbabaril ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek sa agaran pagdakip nito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here