Home NATIONWIDE Dalagita at binatilyo tepok sa salpok

Dalagita at binatilyo tepok sa salpok

248
0

COTABATO- PATAY ang dalagita at binatilyo na magka-angkas sa motorsiklo matapos salpukin ng Toyota Hilux pick-up truck, kagabi sa national highway na sakop ng Tupi, South Cotabato.

Hindi na umabot pang buhay ng idating sa ospital ang mga biktima na kinilala sa mga pangalan Rigor at Rufa Mae, kapwa menor de edad at residente ng Sitio Dataltah, Barangay Acmonan, ng nasabing bayan.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng pick-up truck na may plakang MDD-704 na hindi pinangalanan.

Batay sa report ng Tupi Municipal Police Station, naganap ang insidente kagabi Nobyembre 8, 2025 sa bahagi ng Koronadal-General Santos Highway sa Barangay Crossing Rubber ng nabanggit na bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng mga biktima ang nasabing kalsada ng bigla na lamang silang salpukin sa likurang bahagi ng pick-up truck.

Dahil dito, tumilapon ang mga biktima sa kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na agad naman dinala ng mga rumespondeng otoridad sa ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na sila ng hininga.

Nakatakda naman sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here