Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga kanseladong byahe ng barko sa Super Typhoon Uwan

ALAMIN: Mga kanseladong byahe ng barko sa Super Typhoon Uwan

311
0

MANILA, Philippines – Kanselado ang ilang byahe ng mga barko sa ibat-ibang pantalan sa bansa sa ilalim ng pamamahala ng Philippine Ports Authrotiy (PPA) bunsod ng Super Typhoon Uwan.

Ayon sa PPA, partikular na kinansela ang byahe sa mga pantalan sa Bataan at Aurora. Kanselado rin ang biyahe sa lahat ng barko sa PMO National Capital Region North Port.

Suspendido rin ang biyahe sa mga pantalan sa Batangas; Marinduque; Quezon ; lahat ng byahe ng barko sa Masbate; Palawan ; Eastern Leyte, Samar; Western Leyte, Biliran; Negros Occidetal, Bacolod, banagao, Bedco; Guimaras; Bohol; MIsamis Oriental, Cagayan de Oro; Surigao; Davao; at Lanao del Norte/Iligan.

Hindi rin pinayagang maglayag ang mga barko sa PMO Agusan; Misamis Occidental/Ozamiz; Zamboanga del Norte/Dapitan; Socsargen; at mula Zamboanga patungong Tawi-Tawi.

Samantala, 150 stranded na pasahero sa Port of Ozamiz, ng PPA ay nagbigay na ng mainit na lugaw.

Ayon sa PPA, patungo sana ng Maynila ang barko nang magdeklara ng suspensyon ng mga biyahe ng barko bunsod ng bagyong Uwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here