Home NATIONWIDE Liderato ni Macacua suportado ng BARMM governors

Liderato ni Macacua suportado ng BARMM governors

317
0

MANILA, Philippines — Buo ang suporta ng limang gobernador sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para kay Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, matapos kumpirmahin ng Malacañang na mananatili sa puwesto ang kasalukuyang mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) hanggang sa halalang parlyamentaryo sa susunod na taon.

Sa isang pahayag na nilagdaan nina Gov. Mujiv Hataman (Basilan), Mamintal Adiong Jr. (Lanao del Sur), Tucao Mastura (Maguindanao del Norte), Ali Midtimbang (Maguindanao del Sur), at Yshmael Sali (Tawi-Tawi), sinabi nilang nagkakaisa silang sumusuporta kay Macacua sa panahon ng pinalawig na transisyon.

“Under his steady and inclusive leadership, we have witnessed renewed unity, cooperation and shared purpose in advancing peace and development across the Bangsamoro region,” anila.

Dagdag pa ng mga gobernador, ang pamumuno ni Macacua ay nagpatatag ng ugnayan ng BARMM at mga local government units, na mahalaga sa pagpapatuloy ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Si Macacua ay humalili kay dating Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim noong Marso matapos ang kanyang pagbibitiw, kasabay ng pagtalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ikatlong set ng mga kasapi ng BTA.

Ayon sa Supreme Court, mananatili sa holdover capacity ang BTA hanggang sa makaupo ang mga unang halal na miyembro ng Bangsamoro Parliament hindi lalampas sa Marso 31, 2026.

Pinagtibay ng mga gobernador ang kanilang tiwala kay Macacua at hinimok ang mga Bangsamoro na magkaisa para sa “genuine and meaningful autonomy” ng rehiyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here