MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na 6,607 indibidwal, kabilang ang mga pasahero, crew at cargo staff, ang na-stranded sa 86 na daungan sa buong bansa ngayong Lunes ng umaga.
Ayon naman sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), suspendido ang operasyon sa mga sumusunod na paliparan simula alas-4 ng umaga: Bicol International Airport, Daraga, Albay; Paliparan ng Naga, Camarines Sur; Paliparan ng Virac, Catanduanes; Paliparan sa Masbate, Masbate; Paliparan ng Daet, Camarines Norte; Paliparan ng Bulan, Sorsogon; Paliparan ng Bacon, Sorsogon.
Sa buong bansa, nakapagtala ang CAAP ng 389 na kanseladong flight hanggang Nob. 10 dahil sa inaasahan at nauna nang epekto ng bagyong Uwan.
Sa gitna ng pananalasa ng Supertyphoon Uwan, 6,607 indibidwal, kabilang ang mga pasahero, crew at cargo staff, ang stranded sa 86 na daungan sa buong bansa nitong Lunes ng umaga, iniulat ng PCG.
Mula alas-12 ng umaga hanggang alas-4 ng madaling araw nitong Lunes, nakapagtala rin ang PCG ng kabuuang 3,161 rolling cargos, 83 sasakyang pandagat at 22 motorbanca ang na-stranded, habang 408 sasakyang pandagat at 304 motorbanca ang sumilong. RNT/MND