Manila, Philippines – in-announce na nga ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang listahan ng mga nominado sa nalalapit na 41st Star Awards for Movies na magaganap sa San Juan Theater, San Juan City, sa November 30, 2025.
Sa loob ng mahigit apat na dekada, ang Star Awards for Movies ay nananatiling prestihiyoso at sumisimbolo ng kredibilidad.
Ito ay taunang proyekto ng PMPC Star Awards Inc., ang nangungunang samahan ng mga mamamahayag sa larangan ng aliwan sa bansa, na nagbibigay-pugay sa mga natatanging pelikulang ipinalabas noong 2024.
Ngayong ika-apatnapu’t isang taon, patuloy nitong isinusulong ang layunin na kilalanin ang sining, dedikasyon, at pagsisikap ng mga direktor, aktor, at iba pang propesyonal sa industriya ng pelikula.
Sa unang pagkakataon, nakipagtulungan ang PMPC sa GSD Studios (Get Stuff Done Studios), isang full-service media production company na nagbibigay ng ibat ibang serbisyo sa multi-media production, advertising, below-the-line marketing, at live event production.
“Ang aming team ay nakatuon sa paglikha ng dekalidad at makabagong mga nilalaman na umaayon sa layunin ng aming mga kliyente. Sa GSD Studios, ipinagmamalaki naming makapaghatid ng mga proyekto nang nasa oras, nasa budget, lampas sa inaasahan, at may matatag na diskarte,” ayon kay Ms. Tabilog, CEO ng kumpanya.
Pinangungunahan ang pagdiriwang ngayong taon nina PMPC President Mell Navarro at Chairman Jimi Escala, na nagdadala ng panibagong sigla at pananaw sa prestihiyosong gabi ng parangal.
Kasama ang masisipag na kasapi ng samahan, layunin nilang gawing salamin ng pamana at progreso ang kaganapan – pagpupugay sa mga beterano, habang binibigyang liwanag ang mga bagong tinig na humuhubog sa sining ng pelikula.
Mula sa mga pelikulang pumatok sa takilya hanggang sa mga makabuluhang indie films, nakahanda ang PMPC na magbigay-pugay sa talento at katatagan na patuloy na nagpapatibay sa pelikulang Pilipino.
Narito ang listahan ng ilan sa mga opisyal na nominado sa 41st Star Awards for Movies:
MOVIE OF THE YEAR
Espantaho
Green Bones
Hello Love Again
Isang Himala
My Future You
Topakk
Un/Happy for You
Uninvited
MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR
Crisanto Aquino — My Future You
Jose Lorenzo Diokno — Isang Himala
Zig Dulay — Green Bones
Cathy Garcia-Sampana — Hello Love Aqain
Chito Roño – Espantaho
Petersen Vargas — Un/Happy for You
Dan Villegas — Uninvited
Richard V. Somes — Topakk
INDIE MOVIE OF THE YEAR
AbeNida – BG Productions International
A Journey – Mavx Productions
Balota – Cinemalaya Foundation, GMA Pictures, GMA Entertainment Group,