Home HOME BANNER STORY Nasawi sa hagupit ni Uwan, 2 na – OCD

Nasawi sa hagupit ni Uwan, 2 na – OCD

408
0

MANILA, Philippines – Dalawang nasawi ang sinusuri sa Bicol Region at Eastern Visayas, habang nasa 1.4 milyong indibidwal ang inilikas sa hinagupit ng Super Typhoon Uwan (international name Fung-wong), sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes.

Sa isang video statement sa mga mamamahayag, sinabi ni OCD deputy administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV na ang mga indibidwal na ito ay katumbas ng humigit-kumulang 426,000 pamilya.

Ang mga numerong ito ay batay sa datos na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government, dagdag niya.

Inihayag din ni Alejandro na ang mga indibidwal na ito ay preemptively evacuated mula sa Region 1 (Ilocos Region), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), Calabarzon, Mimaropa, Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Regions 5 (Bicol Region), 6 (Western Visayas), Negros Island Region, Regions 7 (Central Visayas).

Malaking bilang ng mga evacuees ay nagmula sa Bicol Region, na sinundan ng Eastern Visayas at Calabarzon.

Idinagdag ni Alejandro na nasa 6,000 evacuation centers ang aktibo at tinitirhan ang 318,000 indibidwal o 92,000 pamilya.

“Sa casualties po natin, meron pong reported sa atin, subject to validation, dalawang fatalities, one is from Viga, Catanduanes due to drowning and another one is from Catbalogan City, Samar, nahulugan ito ng collapsed structure,” ayon sa OCD.

Mayroon ding mga ulat ng dalawang nasugatan na indibidwal, dagdag niya.

Ang pinsalang dulot ni Uwan sa imprastraktura at agrikultura ay patuloy pa rin ina-assess hanggang ngayon, ani Alejandro.

Samantala, nasa 1,000 naman ang mga bahay na napinsala ng bagyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here