Home NATIONWIDE PBBM, nakatutok sa sitwasyon ng Bagyong Uwan

PBBM, nakatutok sa sitwasyon ng Bagyong Uwan

305
0

MANILA, Philippines – Nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kasalukuyang sitwasyon sa maraming lugar sa bansa na sinalanta at patuloy na hinahagupit ng bagyong uwan.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na palagiang binibigyan ng update ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang pangulo sa mga nangyayari sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Siniguro aniy ng Pangulo na kumikilos ang lahat ng ahenisya ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga apektado ng kalamidad.

Sa katunayan, pangunahin sa naging bilin ng Pangulo ang kaligtasan ng mga tao, sapat na pagkain, suriin ang kanilang kalusugan at siguruhing may mga damit pang ginaw lalo pa at lamig ng panahon ang isa sa mga kalaban sa ganitong sitwasyon.

Samantala, sinabi ni Castro na asahan na nakaalalay ang gobyerno hanggang makabangon muli ang mga naapektuhan ng kalamidad. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here