Home NATIONWIDE Catanduanes nananawagan ng construction materials, food packs

Catanduanes nananawagan ng construction materials, food packs

291
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga residente ng Catanduanes para sa agarang tulong upang muling makabangon matapos mahagupit ng Super Typhoon Uwan.

Partikular na nangangailangan ng agarang tulong ang mga residente ng mga construction materials upang maibalik ang mga tahanan na winasak ng bagyo.

Sinabi ni Governor Patrick Azanza na hindi sapat ang ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 19,000 food packs sa halos 90,000 indibidwal na nasalanta.

Kabilang ang Catanduanes sa unang probisnya na tinamaan ng bagyong Uwan noong Sabado kahit pa bago ito mag-landfall bilang super typhoon.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa probisnya noong weekend.

Nagpatupad ang pamahalaang panlalawigan ng forced evacuation na nakatulong sa pagsalba ng mga buhay lalo na sa mga coastal areas kung saan mataas ang banta sa buhay dahil sa storm surges, ayon kay Azanza.

Aniya, umabot ang baha sa ilang mga barangay sa hanggang beywang habang sa iba ay umabot sa bubong ng mga bahay.

Pinasalamatan ni Azanza ang national government sa ibinigay na tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here