Home TOP STORIES HMO inulan ng reklamo, online

HMO inulan ng reklamo, online

411
0

Sumisiklab sa social media ang mga hinaing ng ilang miyembro ng iCare Health Maintenance Organization (HMO) kaugnay ng umano’y mabagal na serbisyo, limitadong saklaw, at mga teknikal na aberya sa kanilang sistema.

Sa Reddit at iba pang platform, lumitaw ang hashtag #iDONTcare matapos mag-viral ang isang post ng miyembrong nagreklamo na hindi siya natanggap ng ilang ospital sa ilalim ng kanyang plan. “Pumunta ako sa tatlong ospital—wala sa kanila ang tumanggap ng iCare,” aniya sa kanyang post, na umani ng daan-daang reaksyon at komento mula sa ibang netizen.

Batay sa mga sumunod na post, ilang miyembro ang nagbahagi rin ng karanasan tungkol sa matagal na pag-apruba ng konsultasyon, mga teknikal na error sa online portal, at mahirap na proseso ng reimbursement. “Sa oras na maaprubahan nila, kanselado na ang appointment ko,” ayon sa isa.

Ilan sa mga nagkomento ay nagreklamo rin hinggil sa listahan ng doktor at klinika na umano’y hindi na aktibo. “Yung doktor sa listahan, matagal nang hindi accredited. Yung klinika, tigil na sa pagtanggap pero nasa app pa rin,” ayon sa isang post.
Sa mga nakatira sa probinsya, reklamo rin ang kakulangan ng mga accredited doctor at ospital. “Ang pinakamalapit na accredited doctor, dalawang bayan ang layo,” ayon sa isang miyembro.

May ilang doktor ding nagbigay ng opinyon online hinggil sa umano’y kalagayan ng mga HMO system, na anila ay nakakaapekto sa kanilang propesyon. Subalit hindi pa nakalalabas ng opisyal na pahayag ang iCare hinggil sa mga reklamo.

Wala pang inilalabas na komento ang nasabing HMO ukol sa isyu na ito.

Sa gitna ng mga reklamo, nananawagan ang ilang miyembro para sa mas mabilis na serbisyo at mas malinaw na proseso sa paggamit ng kanilang benepisyo.

“Gusto lang namin ng patas at pantay na pagtrato,” ayon sa isa sa mga miyembrong nagkomento online. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here