Home NATIONWIDE 312 pubilc schools winasak ni Uwan; Bicol at Calabarzon, pinakagrabe — DepEd

312 pubilc schools winasak ni Uwan; Bicol at Calabarzon, pinakagrabe — DepEd

322
0

MANILA, Philippines – Nasira ang hindi bababa sa 312 pampublikong paaralan matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan, kung saan ang rehiyon ng Bicol at Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamaraming pinsala, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon sa situation report ng DepEd noong Nobyembre 12, may 1,182 silid-aralan na bahagyang nasira, 366 silid-aralan na lubhang nasira, at 261 silid-aralan na tuluyang winasak. Patuloy pa ang pag-verify ng mga ulat. Pinakamaraming naapektuhan ay nasa Bicol, Calabarzon, at Cordillera.

Iniulat din ng DepEd na 5,572 silid-aralan sa 1,072 paaralan sa 11 rehiyon ang ginagamit bilang evacuation centers.

Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara ang patuloy na proteksyon sa mga estudyante, guro, at kawani, pati na rin ang pagpapatuloy ng edukasyon. Upang matugunan ang agarang pangangailangan, inilalaan ang ₱20.2 milyon para sa paglilinis at clearing operations, at ₱57.9 milyon para sa minor repairs.

Ipapatupad ang Alternative Delivery Modes (ADMs) sa mga paaralang pansamantalang sarado. Noong Nobyembre 11, pinahinto ng Malacañang ang klase sa ilang rehiyon dahil sa Uwan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here