Home NATIONWIDE Bitay sa illegal loggers, miners sa Sierra Madre, itinutulak ni Rep. Barzaga

Bitay sa illegal loggers, miners sa Sierra Madre, itinutulak ni Rep. Barzaga

277
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa laban sa nagsasagawa ng illegal logging at mining sa Sierra Madre.

Giit ng solon na ang mga illegal logger at miner ay “deserve the Death Penalty by Firing Squad,” ayon sa kanyang post sa Facebook nitong Lunes.

Inihain niya ang pahayag kasunod ng ulat ng PAGASA na humina ang Bagyong Uwan matapos tumama sa mga kabundukan ng Luzon, kabilang ang Sierra Madre, na aniya ay nakatulong upang mailayo ang Metro Manila at kalapit-lugar mula sa mas malalang pag-ulan at pagbaha.

Si Barzaga, 27, ay dati nang nagtataguyod ng pagbabalik ng death penalty para sa mga paulit-ulit na litterer at sa mga gumawa ng mabibigat na krimen; pabor din siya sa firing squad bilang paraan ng pagpapatupad.

Ipinawalang-bisa ang parusang kamatayan sa Pilipinas noong 2006; lethal injection ang ginamit nang huli. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here