Home NATIONWIDE Warrant vs Bato, itinanggi ng ICC

Warrant vs Bato, itinanggi ng ICC

242
0

MANILA, Philippines – Wala pang kumpirmasyon mula sa International Criminal Court (ICC) na naglabas ito ng warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon kay ICC spokesperson Dr. Fadi El-Abdallah nitong Lunes.

“No the ICC can’t confirm such news,” ani El-Abdallah sa mga mamamahayag.

“ICC news can be found only on ICC official communications channels and press releases, where you could see that only one case to date has been opened, against Mr. Duterte,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni El-Abdallah ay kasunod ng sinabi ng Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas ang ICC ng warrant laban sa senador. Ayon sa kampo ni Dela Rosa, wala pa silang opisyal na kumpirmasyon.

Ani Atty. Israelito Torreon, abogado ni Dela Rosa, alam nila ang kumakalat na ulat ngunit walang kasong isinampa laban sa senador.

Sinabi rin ni dating Senador Antonio Trillanes na kasama si Dela Rosa at iba pang dating matataas na pulis sa listahan ng mga suspek sa ICC probe sa giyera kontra droga.

Samantala, inihain ng ICC Prosecutor ang kaso laban kay dating Pangulong Duterte sa 49 insidente ng murder at attempted murder noong panahon niya bilang alkalde ng Davao City at bilang Pangulo ng Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here