Manila, Philippines – Hindi pa ba nakaka-move on si Jason Hernandez sa paghihiwalay nila ng kapwa ring singer na si Moira de la Torre?
Matatandaang taong 2022 nang magkahiwalay sila pagkatapos ng tatlong taong pagsasama.
Moira has since remained single, pero napaulat noong nakatagpo na ng bagong mamahalin si Jason.
Pero nanatiling tsismis lang ‘yon.
Lately though ay usap-usapan sa social media ang kasamang babae ni Jason.
Super tipid ang caption ng singer: “Land down under” na nilakipan ng Australian flag.
Wala ni katiting na hint tungkol sa identity ng girl.
But here’s the catch, ayon na rin sa mga netizens–kukuha rin lang daw kasi ng bagong makakarelasyon si Jason ay kahawig pa ni Moira!
And true enough, upon close scrutiny ay mapagkakamalan ngang “nagkabalikan” sila ng dating partner dahil parang pinagbiyak na bunga si Moira at ang mystery girl!
Bumaha naman ng positive comments ang larawang ‘yon, mostly hoping na sana rin daw ay may mga bagong awitin din si Jason.
Sey nila: “New girl, new songs!”
Magugunitang right after naghiwalay sina Moira at Jason ay mas nag-focus ang una sa self-enhancement.
Ang latest tungkol kay Moira ay ang pandededma sa kanya ng mga fellow artists na nakaalitan niya noon sa ASAP Vancouver show kamakailan. Ronnie Carrasco III