Home NATIONWIDE Book launching ng First Lady sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, dinepensahan...

Book launching ng First Lady sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, dinepensahan ng Malakanyang

325
0

MANILA, Philippines – TODO-depensa ang Malakanyang sa ginawang ‘book launching’ ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos noong nakaraang linggo habang kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Tino sa Central Visayas at iba pang bahagi ng bansa.

“Kapag sinabi po nating book launching dapat malaman natin ano ba iyong nilalaman ng librong ito? Ito po ay pag-angat, pagkilala, pagpupunyagi sa mga nakaraang First Ladies ng bansa. Ito ay pagkilala sa mga angking talino, kagalingan na naiambag ng mga kapuwa nating Pilipino,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang

“Iyong mga events na dinaluhan po ng Unang Ginang ay hindi po isang party na pansarili lamang; hindi po ito pagdalo o pagpunta sa isang resort para mag-swimming; hindi po ito pagsusuot ng mga costume katulad ng Snow White para magparty-party. Ito po ay pagkilala mismo sa kapuwa natin Pilipino. Habang ang Pangulo naman po at ibang mga Cabinet Secretaries ay tumutugon sa mga  pangangailangan ng ating mga kababayan,” diing pahayag ni Castro. Hindi naman nito pinangalanan kung sino ang tinutukoy niyang opisyal na nag-snow white at nagparty-party habang binabayo ng bagyong Tino ang bansa.

“Kaniya-kaniya pong responsibilidad, kaniya-kaniya pong obligasyon kaya po hindi po dapat mabigyan ng kritisismo kung anuman po ang ginagawa ang Unang Ginang sa pagtaas at pag-angat sa mga angking talino ng ating mga kababayan,” ang sinabi pa rin ni Castro sabay sabing “Mas pipiliin po ba ninyo na i-criticize ang nag-aangat sa kapuwa Pilipino kaysa doon sa mga nagbabakasyon lang at nagsu-swimming sa mga resort?”

At sa mga nagsabi na dapat ay iniurong na lamang ang petsa ng book launching, sinabi ni Castro na “muli, ang sabi nga po natin kaniya-kaniya pong obligasyon. Ito naman po ay hindi nakasagabal para sa pagtulong sa ating mga kababayan. Ang Pangulo at ang mga Cabinet secretaries ay tumugon nang walang pag-antala.”

“So, kung ito naman po ay naganap para iangat ang kapuwa natin Pilipino ay hindi naman po siguro ito masama. Mas hindi magandang tingnan at mas magandang i-criticize ang mga leaders na nagbabakasyon lamang nang walang dahilan,” litaniya ni Castro.

Sa ulat, tila Disney princess ang peg ni Vice President Sara Duterte matapos itong mag-costume bilang si Snow White ngayong Halloween.

Viral na nga sa social media ang dance videos at larawan na ibinandera ng bise presidente matapos siyang um-attend sa isang  Halloween event.

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang pagsayaw ni VP Sarakasama ang dalawang pang naka-costume ng kanta ni Taylor Swift na “The Fate of Ophelia”.

Marami naman sa mga supporters niya ang pumuso at nag-like ng naturang video.

Samantala, umani naman ng samu’t-saring komento mula sa madlang pipol ang naturang pagbibihis niya bilang Snow White.

“Dapat yung Fiona nalang, dpa need mag costume,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Daming time. Sana sa work din. 270k salary for doing nothing. Mahiya naman sa mga Tax Payer.”

“Dami problema ng pinas, Tapos ganito gusto maging presidente ng DDS,” sru naman ng isa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here