Home NATIONWIDE Pantalan, paliparan sa Catanduanes nagtamo ng pinsala sa Bagyong Uwan

Pantalan, paliparan sa Catanduanes nagtamo ng pinsala sa Bagyong Uwan

346
0

MANILA, Philippines – Nagtamo ng malaking pinsala ang mga daungan sa Catanduanes habang ang isang paliparan ay nagkaroon ng maliit na pinsala matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Matapos ang pananalasa ng bagyong Uwan, sinabi ni Lopez na lahat ng paliparan at seaports ay bumalik na sa normal na operasyon. Ang suspensyon ng biyahe sa public utility vehicles o PUV ay inalis na rin.

Isinailalim ang Catanduanes sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 noong Nobyembre 9 habang tinatahak ng Bagyong Uwan ang Luzon.

Binaha ang Virac at nagkaroon ng storm surges dahil sa malakas na ulan at hangin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here