Home NATIONWIDE Pagsadsad ng barko sa Batangas kinumpirma ng PCG

Pagsadsad ng barko sa Batangas kinumpirma ng PCG

287
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na sumadsad ang LCT Felicity 8, ang landing craft tank na pinatatakbo ng Silver Sand Shipping Corporartion sa baybayin ng Brgy. Wawa Ibaba, Lemery, Batangas, sa kasagsagan ng bagyong Uwan.

Naunang nagkubli sa Pagapas Bay, Calatagan, Batangas ang barko nang tangayin ito sa mababaw na bahagi na nagresulta ng pagsadsad.

Inisyal na iniulat ang insidente sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Lemery ng Barangay Chairman of Brgy. Wawa Ilaya.

Sa inspeksyon, natuklasan ang LCT Felicity 8 na matatag at walang malaking pinsala sa istruktura, at kumpirmado na ligtas at nasa mabuting kondisyon ang lahat ng mga miyembro ng crew.

Walang naobserbahang oil spill o marine pollution sa mga apektadong tubig.

Inatasan ng Philippine Coast Guard ang operating company ng barko na mag-mobilize ng tugboat assistance at paganahin ang isang ligtas na towing operation, habang pinananatili ang koordinasyon sa Local Government Unit (LGU) ng Lemery at mga kaugnay na ahensya ng pagtugon upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsisikap sa pag-recover.

Bukod dito, magsasagawa ang PCG ng imbestigasyon sa marine casualty. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here