Home NATIONWIDE 3-M kabahayan nananatiling walang kuryente sa hagupit ni Uwan — NEA

3-M kabahayan nananatiling walang kuryente sa hagupit ni Uwan — NEA

330
0

MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 3 milyong kabahayan ang nananatiling walang kuryente matapos tamaan ng Bagyong Uwan ang Luzon nitong nakaraang weekend, ayon sa National Electrification Administration (NEA) nitong Martes.

Ayon kay Eric Campoto, officer-in-charge ng NEA sa Disaster Risk Reduction and Management, apektado ang 60 electric cooperatives: 8 na may total power interruptions at 43 na may partial outages. Kabilang sa mga lugar na apektado ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera, Bicol, Mimaropa, at ilang bahagi ng Eastern Visayas.

“Sa kabuuan mayroon tayong higit kumulang 3 milyong consumer connections na apektado ng pagkawala ng suplay ng kuryente,” ani Campoto.

Nahihirapan ang restoration dahil sa pagbaha sa Naga, Albay at landslide sa Cordillera at Benguet, na nagpapabagal sa pag-access ng mga lineman.

Nakikipag-ugnayan ang NEA sa lokal na pamahalaan para linisin ang debris at magpadala ng generator sets sa mga kritikal na pasilidad tulad ng mga ospital, tanggapan ng gobyerno, pasilidad ng tubig, at evacuation centers.

Tinamaan ng Uwan ang eastern seaboard bilang super typhoon nitong Linggo ng gabi, na nagdulot ng pagbaha, pagkakatumba ng puno, at paglikas ng higit sa 1.4 milyon katao sa buong bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here