Home NATIONWIDE ‘Immunity’ sa kaso, hirit ng ICI

‘Immunity’ sa kaso, hirit ng ICI

222
0

MANILA, Philippines – Nais ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mabigyan sila ng proteksyon laban sa kriminal at sibil na kaso habang iniimbestigahan ang umano’y anomalya sa flood control at iba pang proyekto ng gobyerno, ayon kay ICI Executive Director Brian Hosaka.

Sa panimulang pagdinig ng House Bill 4453 sa Kamara, na naglalayong palakasin ang kapangyarihan ng komisyon, binigyang-diin ni Hosaka na “No criminal or civil action shall lie against the commission or any member thereof for acts done or omitted in the discharge of its mandate under this (proposed) Act.”

Ipinapanukala rin ng ICI na bawal sa lahat ng hukuman, maliban sa Korte Suprema, ang maglabas ng restraining order o injunction laban sa kanilang mga imbestigasyon, katulad ng proteksyon sa ilalim ng Republic Act 8975.

Kasama sa hinihinging kapangyarihan ang asset preservation, pagpapa-sara sa mga establisimyentong may sala, access sa records ng gobyerno, at awtomatikong rekomendasyon ng pagkakansela ng lisensya ng mga propesyonal na responsable sa anomalya.

Ipinapanukala rin ang transitory clause para i-transition ang kasalukuyang ICI sa Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC).

Binigyang-diin ni Rep. Leila de Lima na hindi dapat limitahan ng panukalang batas ang mandato ng mga constitutional bodies tulad ng Ombudsman, Commission on Audit, o Civil Service Commission.

Itinatag ang ICI sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para labanan ang korapsyon sa flood control projects, ngunit sa kasalukuyan ay wala itong contempt powers at tanging makapagrekomenda lamang ng kaso sa Ombudsman o DOJ. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here