Home NATIONWIDE Grupo ng mga guro sa GSIS: Cash aid ibigay, ‘wag pautang sa...

Grupo ng mga guro sa GSIS: Cash aid ibigay, ‘wag pautang sa gitna ng sakuna

332
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Government Service Insurance System (GSIS) na magbigay ng agarang cash aid sa mga miyembro at pensioner, imbes na moratorium lamang sa pagbabayad ng utang.

“Teachers and education workers do not need yet another moratorium that merely defers our burden,” ani ACT chair Ruby Bernardo.

Binigyang-diin niya na ang mga guro at kawani ng gobyerno ay “may mas mababang kapasidad na makabangon” matapos ang mga kalamidad tulad ng Supertyphoon Uwan at Typhoon Tino, dahil sa mababang sahod na nagtutulak sa marami na mangutang para lang makaraos.

Binalikan ni Bernardo ang karanasan noong pandemya kung saan ang moratoriums ay nagdulot ng compounded interest at arrears.

“Let’s not repeat this. Borrowing money will only drown us more,” dagdag niya.

Bilang solusyon, iminungkahi ng ACT na maglabas ang GSIS ng P20,000 emergency social security cash aid sa lahat ng miyembro at pensioner sa apektadong lugar, ipatupad ang calamity moratoriums nang walang compounded interest at penalties, bawasan ang interest sa loans, at ilipat ang high-risk investments sa mas ligtas at development-oriented na proyekto.

“Teachers and government workers actually do not need to borrow–what they need are immediate assistance and benefits from the funds allocated to us,” dagdag ni Bernardo, na nanawagan rin ng ganap na transparency sa performance ng GSIS investments. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here