Home NATIONWIDE ICC ‘di mas mataas kaysa sa mga lokal na hukuman – Cayetano

ICC ‘di mas mataas kaysa sa mga lokal na hukuman – Cayetano

420
0
(Cesar Morales)

MANILA, Philippines – Binanggit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes na hindi mas mataas ang International Criminal Court (ICC) kaysa sa mga lokal na hukuman, at nanawagan sa pamahalaan na magtiwala sa sariling sistema ng hustisya.

“We are the most pitiful in the entire world if Filipinos can easily be surrendered abroad, with no courts to go to,” ani Cayetano.

Nilinaw niya na “many local sovereign courts are higher than an international court,” at nasa lokal na hukuman ang pagpapasya kung papayagan o hindi ang interbensyon ng international court.

(Cesar Morales)

Binigyang-diin ni Cayetano na kung may ICC arrest warrant laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, ang “final arbiter” ay ang lokal na hukuman.

Pinayuhan niya ang mga lider ng bansa na magtiwala sa korte at proseso ng hustisya sa Pilipinas.

Si Dela Rosa ay nahaharap sa kaso ng crimes against humanity kaugnay ng papel niya sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Dati na rin niyang sinabi na handa siyang sumama kay dating Pangulong Duterte sa The Hague kung kinakailangan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here