Home NATIONWIDE State of calamity, ipinatupad sa Aurora

State of calamity, ipinatupad sa Aurora

282
0

AURORA – Nagpatupad ng state of calamity ang probinsya ng Aurora matapos ang malawakang pinsala dulot ng Super Typhoon Uwan, lalo na sa mga hilagang bayan.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, tinatayang 10,735 pamilya o 33,908 indibidwal ang na-evacuate.

Naibalik na ang koneksyon sa mga dating isolated na bayan tulad ng Dinalungan, Casiguran, at Dilasag, pati na sa pitong barangay sa Dipaculao, matapos linisin ang Baler–Casiguran Road na lubhang nasira, bagaman isang lane lamang ang maaaring daanan.

Maraming bahagi ng kalsada at mga kainan sa tabing-dagat ang nalunod sa storm surge.

Inaasahan ng awtoridad na mas mabilis na maipapadala ang tulong sa mga apektadong komunidad, subalit nananatiling wala pa ang kuryente at serbisyo ng telekomunikasyon sa hilagang bahagi ng Aurora. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here