Home NATIONWIDE Isa pang doktor pinadidiskwalipika ng kampo ni FPRRD

Isa pang doktor pinadidiskwalipika ng kampo ni FPRRD

295
0

THE HAGUE – Humiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na idiskwalipika ang isa pang doktor sa pagsusuri sa dating lider kung ito ay ‘fit for trial.’

Noong Setyembre, matatandaan na humiling din ang legal team ni Duterte sa diskwalipikasyon ng isang “expert” female neuropsychologist sa panel na itinalaga para suriin ang kalagayan ni Duterte.

Pinalitan ito ng isang lalaking doktor.

Sa kabila nito, sa 18-pahinang submission na may petsang Nobyembre 7 na pirmado ni Atty. Nicholas Kaufman, humiling ang depensa sa kapulungan na idiskwalipika ang replacement doctor at sinabing ito ay kulang sa kasanayan at may mga post umano ito sa social media na hindi nila nagustuhan.

Nagbigay ng halimbawa ang depensa ng “sickening and offensive” reposted tweets nito at mga reply na nagpapakita umano ng “lack of professionalism.”

“One can also surmise from the content and target of his posts that this ‘expert’, for more reasons than stated in this filing, would be incapable of providing truly independent and impartial expertise, free from political or other bias, as would be expected of any expert appointed to assist this Court,” anang legal team ni Duterte.

Humiling ang depensa sa Pre-Trial Chamber na agad bawiin ang mandato na ibinigay sa doktor at pinaiiwas na magkaroon ito ng access sa private medical information ni Duterte. Inaatasan din nito ang Register na iwasang isama ito sa listahan ng ICC experts.

Muli rin nilang iginiit ang kanilang request sa chamber na i-adjourn ang mga pagdinig.

Samantala, sa limang pahina na may filing date na Nobyembre 10 sa Pre-Trial Chamber I ng ICC, sinabi ni Paolina Massida, principal counsel para sa drug war victims, na ang kanilang preferred medical experts ay may kaukulang credential at kasanayan para ilagay sa panel of experts na magsasagawa ng medical examination ng dating Pangulo.

Si Duterte ay kasalukuyan pa ring naka-detain sa The Hague Penitentiary Institution. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here