Home NATIONWIDE BSKE tututukan na ng Comelec kasunod ng desisyon ng SC

BSKE tututukan na ng Comelec kasunod ng desisyon ng SC

276
0

MANILA, Philippines – Tututukan ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na panindigan ang legalidad ng Republic Act 12232.

Sa isang pahayag, sinabi ng Comelec na napapanahon ang pagpapalabas ng desisyon ng SC dahil nakatakda ang susunod na BSKE sa Nobyembre 2, 2026.

Umaasa ang Comelec na matutuldukan na ang ispekulasyon kaugnay sa BSKE.

Ayon pa kay Garcia, ngayon na nagsalita na ang Korte Suprema, matututukan na ng Comelec sa kanilang timeline at kanilang paghahanda.

Inihayag ng Korte Suprema nitong Martes, Nobyembre 11 na ibinasura nito ang pinagsama-samang petisyon na kumukwestyon sa constitutionality ng batas na nag-reschedule ng BSKE. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here