MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Heart Association (PHA) sa publiko na bantayan ang pag-inom ng alak at pagkain ng maalat at matataba ngayong kapaskuhan upang maiwasan ang “Holiday Heart Syndrome” (HHS).
Ayon kay Dr. Lourdes Santos ng PHA board of trustees: “By January, nagpapalpitasyon na yan, hinahapo na, sumisikip ang dibdib. Again, these are all cyclical. We see [them] every year by January, yung mga nagsisisi sa kinain nila ng December.”
Ang labis na pag-inom ay maaaring magdulot ng dilated cardiomyopathy, na nagreresulta sa irregular na tibok ng puso o arrhythmia.
“Maraming nagkakaroon ng arrhythmia come January because of excessive alcohol,” dagdag niya.
Pinayuhan niya ang publiko na bantayan ang blood pressure, timbang, at BMI, at umiwas sa labis na pag-inom at pagkain ng mataas sa kolesterol.
“I think awareness is important kasi hindi dapat tayo nag-u-undo… Mayroon kaming primary prevention advocacy. Kasama na doon, no to cholesterol, no to salty foods, no to alcohol,” ani Santos.
Ayon sa Department of Health, tumataas ang kaso ng stroke tuwing Pasko at Bagong Taon dahil sa labis na pagkain at pag-inom. RNT