Home NATIONWIDE US nag-alok sa Pinas ng $5B pautang, pampondo sa nuclear 

US nag-alok sa Pinas ng $5B pautang, pampondo sa nuclear 

1
0

MANILA, Philippines – Maaaring makakuha ang Pilipinas ng hanggang $5 bilyong financing mula sa Estados Unidos para suportahan ang pagpapaunlad ng nuclear energy projects sa bansa.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary Giovanni Bacordo, nakipagpulong ang mga opisyal ng gobyerno sa US International Development Finance Corp. sa kanilang pagbisita sa Amerika, kung saan tinalakay ang posibleng loan facility para sa nuclear power development.

Sinabi ni Bacordo na batay sa kanilang pagkakaunawa, maaaring bayaran ang loan sa loob ng 25 taon at nakalaan ito para sa mga private power corporations na nais mamuhunan sa nuclear energy generation.

Target ng pamahalaan na magkaroon ng unang nuclear-generated electricity sa bansa pagsapit ng 2032.

Nauna nang nagbigay ang US Trade and Development Agency ng $2.8 milyong technical assistance sa Manila Electric Co. para sa pag-aaral kaugnay ng nuclear energy development.

Kasabay nito, sinabi ng DOE na nakikipagtulungan din ang pamahalaan sa Asian Development Bank upang makabuo ng project structures at credit enhancement mechanisms na maaaring gawing mas bankable ang mga nuclear project.

Ayon sa industry estimates na binanggit ng DOE, maaaring magsimula ang deployment ng micro-modular reactors sa bandang 2028 habang target naman ang small modular reactors sa paligid ng 2030.

Gayunman, binigyang-diin ng mga opisyal na kailangan pang beripikahin ang mga target na ito batay sa demonstration, licensing, regulatory preparation at aktuwal na delivery ng teknolohiya. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here