MANILA, Philippines – Hiniling ng ilang NGO (non government organization) at civil society groups sa pamahalaan na itigil ng Asian Development Bank (ADB) ang pagpondo sa mga proyektong nakakasira ng kalikasan at nakakapinsala sa kalusugan at kabuhayan at kakpaligiran kabilang na ang mga proyektong fossil fuel.
Ginawa ng grupo ng NGO at civil society group ang panawagan sa ginanap na press conference kanina sa Quezon City na tinaguriang “Retire the Harms” bilang bahagi ng kampanyang “ADB at 60” Retire the Harms, Provide Reparations, Cancel. the Debt” na isinagawa ng grupo ng civil society group sa ika-60 anibersary ng Asian Development Bank (ADB).
Sinabi ng grupo na dapat itigil ng ADB ang pagpondo sa mga proyektong nagpapaalis sa mga komunidad o nakakasira sa kalusugan., kabuhayan at kapaligiran , kabilang ang mga proyekto ng fossil fuel.
“Dapat itigil na ng ADB ang pagpondo sa mga proyektong mapaminsala sa kalikasan, kapaligiran at kalusugan” sinabi ni Dominador “Ka Domeng” BAsaya residente ng Naga City sa lalawigan ng Cebu.
Ayon kay KA Domeng simula ng itayo ang planta ng Kepco sa kanilang lugar sa Naga isang Korean Electric Power Corporation isa sa largest state owned electric power generation transmission at distribution sa kanilang lalawigan ay nasira na ang mga kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar, nasira ang kanilang mga likas na yaman dala ng polusyon ng planta at nagdala ito ng mga sakit sa kanilang mga kabarangay dahil sa polusyon ng naturang planta.
“Marami sa mga residente sa lugar namin (Naga) ang nagkasakit sa balat, hika, ubo, skin decease at napinsala ang mga kabuhayan ng aming mga mangingisda dahil sa polusyon ng planta” sabi pa i Ka Domeng.
Nanawagan din si Ka Domeng sa pamahalaan na dapat itigil na ng ADB ang pagpondo sa mga mapaminsalang proyekto gaya ng planta na sumusira sa kalikasan at kapaligiran at kalusugan ng mga mamamayan.
Nabatid na si Ka Domeng ay kabilang sa nagsampa ng kaso laban sa ADB bilang pagtutol sa pinondohang proyektong power plant ng ADB na itinayo sa kanilang lugar at nanalo sa kanilang kaso subalit hanggang ngayon ay walang ginagawang aksyon ang ADB para sa mga napinsalang kabuhayan at kapaligiran sa kanilang komiunidad.
Ayon pa sa ulat ang protesta ng ADB 60 ay humihingi ng mga reparasyon at pagkansela ng utang sa naturang bangko.
Kaugnay nito sinabi ni Atty. Aaron Pedroso counsel at representative ng NGO at civil society bilang paggunita sa ika -60 anibersaryo ng ADB kilos protesta at pagtuligsa ang kanilang regalo sa naturang bangko na humihingi ng mga reparasyon pagtatapos ng mga mapaminsalang proyekto at pagkansela ng utang.
Sinabi pa ni Atty. Pedroso na nagsasagawa ang mga grupo ng lipunang sibil ng isang simbolikongo salu-salo sa pagreretiro para sa Asian Development Bank (ADB) na hinihimok ang institusyon na wakasan ang mga mapaminsalang gawain bayaran ang mga apektadong komunidad at kanselahin ang mga hindi makatarungan utang.
“Hinihiling namin sa ADB na itigil ang pagpondo sa mga mapaminsalang proyekto na sumisira sa kalikasan, kapaligiran at kalusugan ng mga komunidad” sabi pa ni Atty. Pedroso.
Ayon po kay Atty. Pedroso sa 60th anniversary ng ADB sa Japan ihaharap namin ang mga reklamo ng mga civil society group at mga NGO na dapat panagutan ng ADB. SANTI CELARIO/larawan ni ERIC OCAPAN