Home NATIONWIDE Tax breaks sa medical, sports gear manghihikayat ng healthy lifestyle – solon

Tax breaks sa medical, sports gear manghihikayat ng healthy lifestyle – solon

219
0

MANILA, Philippines – Ipinapanukala ni Senador Pia Cayetano ang pagbibigay ng tax exemptions sa mga imported medical at sports equipment upang mapabuti ang access sa healthcare at hikayatin ang malusog na pamumuhay sa bansa.

Binanggit niya na ang mamahaling kagamitan tulad ng CT scanners at MRI machines ay nananatiling binubuwisan, kaya limitado ang pagkakaroon nito sa maraming ospital.

“Ang mamahal ng equipment na yan, ang dami pa rin nating hospital na walang CT scan, mga MRI — lahat yan tina-tax yan,” ani Cayetano.

Idinagdag niya na ang panukala ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na palawakin ang access sa healthcare, at humingi siya ng suporta sa Department of Finance upang maisama ang exemption sa fiscal plan ng administrasyon.

“Kung hindi nila isu-support yan, mavi-veto lang. Pero kung papayag sila, ang condition lang naman ng DOF is hindi lang mayaman ang makikinabang,” paliwanag niya.

Prayoridad ng panukala ang mga pampublikong ospital, upang matulungan ang mga low-income na Filipino na makakuha ng mas mahusay na diagnostic services sa mas mababang gastos.

Pinag-aaralan din ni Cayetano ang pagbibigay ng tax incentives para sa sports at wellness industries, at ani niya: “The more affordable the equipment, the more Filipinos can engage in sports and fitness. Let’s make healthy living accessible to all.”

Binigyang-diin niya na layunin ng mga panukala na balansehin ang pagkolekta ng kita at pagpapabuti ng pampublikong kalusugan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here