Home NATIONWIDE 2 nasawata ng PDEA sa P3.4-M tobats sa Imus

2 nasawata ng PDEA sa P3.4-M tobats sa Imus

235
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang high-value drug personalities sa Imus City nitong Martes, at nakumpiska ang tinatayang P3.4 milyon halaga ng shabu.

Kinilala ng Philippine Drugs and Enforcement Agency Region 4A ang mga suspek na sina alias Bongabong at alias Raffy, na nahuli habang nagbebenta ng ilegal na droga.

Narekober ang 500 gramo ng puting kristal na substansiya sa buy-bust operation na isinagawa kasabay ng Cavite Maritime Police Station.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis ang mga suspek at kakaharapin ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang isasailalim sa chemical analysis ang nakumpiskang droga. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here