Home NATIONWIDE Higit 40 suspek sa flood control probe, posibleng makulong ngayong Nobyembre —...

Higit 40 suspek sa flood control probe, posibleng makulong ngayong Nobyembre — Dizon

314
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, mahigit 40 katao na sangkot sa anomalya sa flood control projects sa Bulacan at Oriental Mindoro ang posibleng makulong ngayong Nobyembre.

“Hindi na maghihintay ng Disyembre. Ngayon lang November ay may makukulong na,” ani Dizon.

Kabilang sa Bulacan cases ang 26 katao, kabilang ang mga Discaya at si Henry Alcantara, habang 15 naman sa Mindoro, kabilang si dating kongresista Zaldy Co.

Itinuturing na non-bailable ang mga kaso, kaya agad na mauuwi sa pagkakakulong kung may hatol.

Samantala, inuuna ng Independent Commission for Infrastructure ang 80 sa 421 flood control projects para sa masusing imbestigasyon, gamit ang bid documents at pagsuri sa aktwal na implementasyon, katuwang ang CIDG at NBI. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here