MANILA, Philippines – Pinapalakas ng Manila Police District (MPD) ang pagpapatupad ng “Oplan Disiplina” laban sa mga hindi disiplinadong e-tricycle at traysikel sa Divisoria at Tondo, kasunod ng mga reklamo mula sa publiko tungkol sa reckless driving at traffic violations.
Ayon kay Lt. Col. Gilbert Cruz, PS2 Commander, layon ng operasyon na tugunan ang mga problema sa counterflowing at unruly driving sa Dagupan at J. Luna Streets.
Ilang lumabag ang nahuli at nasamsam ang kanilang mga sasakyan, sa pakikipagtulungan sa Manila Traffic and Parking Bureau.
Pinayuhan din ng MPD ang publiko na patuloy na mag-report ng mga paglabag sa pamamagitan ng social media o direkta sa kanilang opisina, habang tiniyak ang mabilis na aksyon sa ilalim ng programang “Bilis-Kilos.” RNT