Home HOME BANNER STORY Kulong, walang “Merry Chirstmas” sa mga sangkot sa flood control anomalies –...

Kulong, walang “Merry Chirstmas” sa mga sangkot sa flood control anomalies – PBBM

305
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Marcos na hindi na makararanas ng “Merry Christmas” ang mga personalidad na sangkot sa maanomlayang flood control projects.

“Alam ko, bago mag-Pasko… palagay ko ay matatapos iyong kaso nila. Buo na yong kaso nila. Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas. Before Christmas, makukulong na sila,” pagtiyak ng Pangulo sa press conference na idinaos sa Presidential Broadcast Studio, Kalayaan Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Nobyembre 13.

Nauna rito, kumpiyansang sinabi ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na makukulong bago sumapit ang Pasko ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

“Sa tingin ko base na rin sa mga usapan namin ng ICI (Independent Commission for Infrastructure), ng Ombudsman, I think hindi na magtatagal at ‘yung unang kaso na finile natin ng September 13 eh malapit nang i-file at dahil doon makikita n’yo na ‘yung mga unang mga tao na makukulong na,” paglalahad ni Dizon.

‘Sabi ko nga tingin ko marami-rami magpapasko sa kulungan in the next few weeks and few months,” dugtong pa ng kalihim.

Nang tanungin kung ilan ang maaaring makulong bago magpasko, sinabi ni Dizon na: “Baka mga 60 siguro ang estimate ko.”

Aniya, nagtutulungan na ang Ombudsman, ICI, DPWH, Department of Justice, Anti-Money Laundering Council, National Bureau of Investigation at Office of the Solicitor General para mapanagot ang mga sangkot sa flood control scandal.

Ang sabi ng pangulo natin kailangan bilisan na natin ang pananagot ng mga dapat managot,” wika ni Dizon.

Sa kabilang dako, winika ng Pangulo na walang timeline ang gobyerno sa pagbawi sa perang ninakaw ng mga ito. Ang katuwiran ng Pangulo ay marami pa kasi silang nakikitang iba.

“So, ung mga nabanggit ko na halaga. Iyon pa lang ang aking nakikita pero ako’y .. nakatitiyak ako… marami pa tayong mababawi dito eh. So, patuloy naming gagawin yan,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here