Home METRO Eco-Friendly, sustainable na paskong Pilipino tampok sa QC Hall

Eco-Friendly, sustainable na paskong Pilipino tampok sa QC Hall

291
0

QUEZON CITY, Philippines – Muling binuksan sa publiko ang Christmas on Display sa Quezon City Hall Risen Garden bilang bahagi ng selebrasyon ng Paskong Pilipino. Simula 5:30 ng hapon, at kada 30 minuto hanggang 10:00 ng gabi, mapapanood ng mga residente at bisita ang makukulay na ilaw at sayaw ng musika na tampok sa taunang display.

Para sa mga nais mag-enjoy sa pagkain at lokal na produkto, bukas din ang Paskong KumuQCkutitap Night Market na handog ang iba’t ibang pagkain at paboritong pamasko para sa lahat ng bisita.

Hindi rin mawawala ang mga instagrammable spots sa paligid ng city hall, kung saan tampok ang mga sustainable Christmas decorations na gawa sa recycled at upcycled materials mula sa mga nakaraang aktibidad ng lungsod.

Bilang bahagi ng kampanya ng Quezon City para sa kalinisan at pangangalaga sa kalikasan, ang mga ilaw sa high-rise building ng QC Hall ay pinapagana gamit ang solar panels. Sa tulong nito, mas napapababa ang konsumo ng kuryente at ang carbon emissions na nakaaapekto sa kapaligiran.

Isang makulay, masaya, at makakalikasan na Pasko ang hatid ng Quezon City para sa bawat pamilyang Pilipino ngayong kapaskuhan. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here