Home NATIONWIDE PhilHealth nagbabala vs scammers gamit pangalan ni Beverly Ho

PhilHealth nagbabala vs scammers gamit pangalan ni Beverly Ho

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa mga indibidwal o grupong nagpapanggap bilang Acting President and CEO Dr. Beverly Lorraine Ho upang manghingi ng pera, donasyon o sponsorship.

Nilinaw ng PhilHealth na walang awtoridad si Ho, gayundin ang sinumang opisyal o empleyado ng ahensya, na manghingi ng pondo, donasyon o personal bank transfer mula sa publiko at mga partner nito.

Ayon sa ahensya, anumang mensahe, tawag, email o social media account na humihingi ng bayad o tulong pinansyal gamit ang pangalan ng PhilHealth o ng mga opisyal at empleyado nito ay dapat ituring na fraudulent o bahagi ng scam.

Pinayuhan ang publiko, healthcare providers at iba pang stakeholders na huwag makipag-ugnayan sa mga kahina-hinalang sender o caller na nagpapakilalang kinatawan ni Ho o ng PhilHealth.

Dapat ding agad i-report ang ganitong insidente sa PhilHealth Corporate Action Center o sa pinakamalapit na regional office o Local Health Insurance Office.

Pinaalalahanan din ng PhilHealth ang publiko na idaan lamang ang lehitimong transaksyon at inquiry sa mga opisyal nitong tanggapan at communication channels.

Maaaring makipag-ugnayan sa 24/7 Corporate Action Center hotline sa (02) 8662-2588 o sa email na [email protected].

Maaari ring tumawag sa mobile hotlines na 0998-857-2957 at 0968-865-4670 para sa Smart, at 0917-127-5987 at 0917-110-9812 para sa Globe.

Hinimok din ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa official website at verified social media accounts ng PhilHealth. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here