MANILA, Philippines – Sumugod sa harap ng tanggapan ng Korte Suprema ang mga tagasuporta ni Mary Jane Veloso kasabay ng paghahain nila ng Petition for Habeas Corpus.
Taong 2010 nang maaresto si Mary Jane sa Indonesia makaraang mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin.
Ayon kay Mary Jane, ito ay ipinabitbit lamang sa kanya ng kanyang mga recruiters na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao, pero hindi umano niya alam na droga ang laman ng maleta.
Ilang taon binuo ang kanyang pagkakakulong sa nasabing bansa ngunit hiniling ng gobyerno ng Pilipinas na pauwiin siya sa Pilipinas at dito na lamang ipagpatuloy ang pagdetine simula noong December 18.
Samantala iginiit naman ni Mrs Cecilia Veloso na iligal ang patuloy na pagkakadetine ng kanyang anak sa Correctional Institute for Women dahil wala anya itong kinakaharap na kaso sa Pilipinas at biktima lang ng human trafficking.
Nauna diyan ay hiniling ni Mrs.Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos na igawad na ang executive clemency para tuluyan ng makalaya ang kanilang anak at makapiling nila sa Pasko. Jocelyn Tabangcura-Domenden