BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang limang indibiduwal na naaktuhan gumagamit ng iligal na droga sa lungsod ng Meycauayan nitong Nobyembre 14.
Sa report ng Meycauayan police station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na pot session sa Brgy. Pantok.
Dahil dito, rumesponde ang mga tauhan ng SDEU personnel ng istasyon sa lugar hanggang sa bumulaga sa kanila ang mga suspek na aktong gumagamit ng hinihinalang shabu kaya agad silang inaresto.
Nabatid na nasamsam sa operasyon ang isang heat-sealed plastic sachet na may 0.3 gram ng hinihinalang shabu na may halagang P2,040,00, cut-open sachet na may shabu residue, dalawang pirasong nakatiklop na aluminum foil na may residue, dalawang improvised aluminum foil pipe na may residue at apat na disposable lighters.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. (Dick Mirasol III)