Home NATIONWIDE Malakanyang sa pagdawit ni Co kay PBBM sa flood control anomalies: Logic,...

Malakanyang sa pagdawit ni Co kay PBBM sa flood control anomalies: Logic, bakit niya sisimulan kung siya mismo ang mapapaso!

268
0

MANILA, Philippines – LOGIC!

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa ginawang pagdawit ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa flood control anomaly.

“Pakatandaan natin, nagsimula ito sa sinabi ng Pangulo sa kanyang SONA 2025. Mahiya naman kayo. Bakit niya pasisimulan ang malalimang pag-iimbestiga? Mag-establish ng ICI, Independent Commission to investigate the anomalous flood control projects and other infrastructure,  kung ang Pangulo ay may kinalaman dito,’ ayon kay Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Logic! Hindi ba dapat na iiwasan niya ang issue na ito kung siya mismo ang mapapaso? Ang imbestigasyon na sinimula ng Pangulo ay unti-unti nang nagbubunga. Malinaw na ang mga pangyayari. Papalapit na ng papalapit tayo sa katotohanan,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Kumbinsido si Castro na pinipilit ni Co na ilihis ang nasabing usapin upang makaiwas ang mga tunay na may sala sa katarungan,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, umaasa ang Malakanyang na mapabilis na ng Ombudsman ang pagresolba ng kaso at makapagrekumenda ito ng kung anuman ang dapat nitong irekumenda,’ ma-recommend for dismissal or for filing’ ng kaso sa SandiganBayan.

“Sana mapabilis na rin po kasi ang taong bayan ay naghihintay na rin na mabilis ang aksyon. Hindi po siya mapapauwi sa ngayon dahil naaayon sa batas, ang hindi pa po nakakasuhan at tinuturing na pugante dahil wala pa pong warrant of arrest na nai-issue ang court. O kaya siya ay hindi pa naman convicted at siya ay tumakas,” ang sinabi ni Castro.

“At hindi natin masasabi niyo ang kanyang passport ay naisagawa at nai-issue through a fraudulent act.  So wala po pa kasi basihan para mag-file ng petition or application for cancellation of passport ni Zaldy Co and DOJ.  At malamang po madismiss po ito ng korte kung hindi po bibigyan ng basihan sa pagkakansilan ng passport,” aniya pa rin.

Samantala, hindi naman itinuturing ng Malakanyang na national security threat si Zaldy Co kaya’t dapat lamang na makansela ang pasaporte nito.

Ang dahilan ni Castro, ang kaso na ipapataw kay Zaldy Co ay malamang na patungkol lamang sa graft and corruption, o maaaring plunder.

“Hindi po natin alam kung ano magiging kaso dito. But, hindi po ito sa ating palagay ay makukonsidera na issue about national security,” diing pahayag ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here