Home NATIONWIDE Malakanyang ‘not in panic mode’ sa akusasyon ni Co kay PBBM

Malakanyang ‘not in panic mode’ sa akusasyon ni Co kay PBBM

268
0

MANILA, Philippines – Wala sa “panic mode” ang Malakanyang kasunod ng akusasyon na ginawa ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tugon ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga ulat na lumabas sa social media na nagpatawag diumano ng meeting si Pangulo sa kaniyang Security Cluster dahil sa bombang pinasabog ni Zaldy Co.

“Wala po akong nabalitaang ganiyan at kung sino po ang nagsabi niyan muli patunayan po niya. Eh tayo po nga ay dapat papunta ng Intramuros hindi po ba at mayroon doong event. So, wala pong panic mode tayong pinag-uusapan. Kailangan lang po nating magkaroon ng press briefing ngayon para po maipaliwanag sa mga kababayan natin kung sino ba talaga ang nagsisinungaling,” ayon kay Castro.

“So, Mr. Zaldy Co, mas maganda po umuwi kayo dito kung maaari sabayan ninyo na rin po iyong mga ibang fugitives na nagtatago sa ibang bansa,” dagdag na wika nito.

Samantala, niresbakan naman ni Castro ang naging pahayag ni Vice-President Sara Duterte na paranoid na ang administrasyong Marcos lalo na ngayong maraming rally ang nangyayari sa bansa.

“Unang-una po, paranoia. Ang paranoia sabi po nila ay direct cause ito ng emotional outburst, meltdown. Hindi po nagmi-meltdown ang ating Pangulo,” ani Castro.

“Nagkataon lang po siyempre po kapag may mga issue, may nababalitaan, may mga nagri-report na diumanong may gustong magpabagsak sa gobyerno—ano po ba ang dapat gawin ng gobyerno? Matulog, manahimik, mag-relax? Kailangan po itong ma-monitor. Hindi naman po ibig sabihin na ito ay may katotohanan but still hindi po ito dapat na tinutulugan,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here