Home HOME BANNER STORY Pagkakasangkot sa flood control mess pinabulaanan nina Escudero, Angara, iba pa

Pagkakasangkot sa flood control mess pinabulaanan nina Escudero, Angara, iba pa

340
0

MANILA, Philippines – Sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Biyernes, Nobyembre 14, 2025 kaugnay sa kontrobersiya sa mga proyekto sa flood control ng Department of Public Works and Highways (DPWH) lumutang ang mga pangalan ng ilang mambabatas at opisyal ng gobyerno na nagsasangkot sa mga ito sa umano’y katiwalian sa mga infrastructure project.

Sa sinumpaang salaysay ni dating Usec. Roberto Bernardo ng DPWH, sinabi niya na sangkot sa anomalya sa mga flood‐control projects sina Senador Escudero, Senador Mark Villar, Senador Jinggoy Estrada, dating Senador Grace Poe, at DepEd Chief Sonny Angara.

Mariin namang pinabulaanan ng mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ang sinabing pahayag ni Bernardo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Villar na ang alegasyon ay “isang malaking kasinungalingan.”

“Mariin at kategorikal kong itinatanggi ang mga akusasyong ginawa … Isa po itong malaking kasinungalingan.”

Hiningi niya sa publiko na huwag magmadali sa paghuhusga “batay lamang sa sinumpaang pahayag ng isang tao … na maaaring gawa-gawa o ginawa para sa kanyang sarili o para sa kaginhawaan ng iba.”

Ayon sa kanya, naninindigan siya sa “malinis na rekord” bilang lingkod-bayan — bilang Kinatawan, Kalihim ng DPWH, at ngayon bilang Senador.

Itinanggi naman ng kampo ni Senador Chiz Escudero ang mga paratang at sinabing, “There is no direct evidence presented in the testimony of Bernardo linking Senator Chiz to any criminal act. Speculations and insinuations are not evidence. These are at best hearsay, lack basis, and are self-serving statements that will not stand in any court of law.”

Sinaad pa ng legal counsel ni Escudero na si Ramon Esguerra na ang mga alegasyon ni Bernardo ay “merely designed to besmirch and destroy Senator Chiz’s reputation, as well as that of the Senate.”

“We are confident that the facts and evidence will vindicate Senator Chiz, show that these allegations against him are malicious and baseless, and prove that he is innocent,” dagdag ni Esguerra.

Gayundin, pinabulaanan ni DepEd Sec. Sonny Angara ang pagkakasangkot sa mga anomalya sa multibillion-peso infrastructure projects ng gobyerno.

“We reject any insinuation [made on Friday] that we were involved in anomalous projects,” ayon kay Angara. “In my 21 years in government, we have never been involved in corruption.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here