Home METRO Kelot tiklo sa higit P1-M tobats sa Bataan

Kelot tiklo sa higit P1-M tobats sa Bataan

300
0

BATAAN, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang suspek at masabat ang nasa mahigit P1-Milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya nitong huwebes (November 13, 2025) sa Barangay Tuyo, Balanga City.

Batay sa ulat na nakarating kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.

Kinilala ng pulisya ang suspek na isang 35 anyos na lalaki na taga Barangay Binukawan, Bagac, Bataan.

Nasakote ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa katransaksiyon nitong undercover police.

Narekober sa suspek ang nasa 200 grams ng suspected shabu na may estimated drug price ng higit P1.3 Milyon, cellphone na gamit ng suspek sa pakipag-transaksiyon, boodle at marked money na ginamit sa buybust.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here